^

PSN Opinyon

PNP lifestyle check puntirya si Purisima

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI ang 150,000 pulis kundi si PNP chief Alan Purisima mismo ang puntirya ng lifestyle checks ni Interior Sec. Mar Roxas. Sira ang kumpiyansa ni Roxas kay Purisima, dahil lumala ang kriminalidad mula nang mag-hepe ito nu’ng Dis. 2012. Kaso mo, hindi siya basta matanggal ni Roxas. Bukod sa presidential appointee si Purisima, tatlong dekada na itong kaibigan ni Noynoy Aquino. At ugali ni P-Noy na patigasan imbis na patalsikin ang kaibigan na pumapalpak sa puwesto.

Sa palagay ni Roxas, lilitaw sa lifestyle checks ang umano’y mga tagong yaman ni Purisima. Kabilang dito ang napabalitang maraming bahay sa Caloocan City, malawak na lupain sa Nueva Ecija, at dikdikan ng konkreto. Kapag nabisto ang mga ito, umaasa si Roxas, titigpasin na ni P-Noy si Purisima.

 Ang tanong nga lang: nais ba ni P-Noy na ipagtanggol ng pulisya ang buhay at ari-arian ng mamamayan laban sa krimen? Ang sagot diyan ay nasa mga pahayag niya. Nito lang biyahe niya sa Europa tinanong si P-Noy tungkol sa kanyang human rights record, lalo na sa malimit na pagpaslang sa mga mamamahayag. Umismid si P-Noy na “blanket statement” umano ang paratang. Pero sinagot niya ito ng sarili niyang blanket statement. Kesyo raw kaya pinapatay ang mga mamamahayag ay dahil unethical sila, nalululong sa ibang aktibidades liban sa media.

Ipagpalagay -- pero walang pag-ako -- na bugok ang mga pinatay na brodkasters, sa pananaw ba ni P-Noy ay dapat sila magbayad ng dugo? E ‘yung milyun-milyong citizen journalists ngayon sa Internet na hindi nahasa sa media ethics, dapat din bang barilin dahil sa pag-abuso? Papano ang mga mahilig sa sensational texts at tweets -- kabilang marahil ang mga kamag-anak ni P-Noy -- dapat din bang patayin dahil kulang sa pagtitimpi? Wala na bang pagpapahalaga sa buhay?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

ALAN PURISIMA

CALOOCAN CITY

INTERIOR SEC

MAR ROXAS

NOY

NOYNOY AQUINO

P-NOY

PURISIMA

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with