^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Humarap at sagutin ang akusasyon

Pilipino Star Ngayon

KUNG totoo ang sinabi ng tagapagsalita ni Vice President Jejomar Binay na si Cavite Gov. Jonvic Remulla na may ihahayag (live address) ngayong araw na ito ang Vice President, maaaring magkaroon na nang kasagutan ang mga iniaakusa sa kanya. Pero mas maganda sana kung sa Senado siya haharap para masagot nang punto por punto ang mga ipinaparatang sa kanya. Iniimbitahan naman siya ng Senado noon pa ukol dito subalit tumatanggi siya.

Ilang linggo nang nag-iimbestiga ang Senate blue ribbon committee kay Binay kaugnay sa umano’y overpriced na Makati building na ginawa noong siya pa ang mayor. Corruption ang inaakusa kay Binay dahil sa overpriced na building. Ang halaga ng parking building ay P2.3 billion. Ayon sa mga nag-aakusa, ang halaga lamang ng building ay P1.2 billion.

Noong Huwebes, muling may pinasabog si dating­ Vice Mayor Ernesto Mercado ukol kay Binay­ at sinabing siya ang nagdedeliber ng pera na nakalagay sa tatlong bag. Galing umano sa mga contractor ang pera. Ang pera ay para raw sa anak ni Binay na si Junjun (kasalukuyang Makati mayor) at kay Ebeng na secretary daw ng Vice President.

Pero ang laging sagot ni Binay, pinupulitika raw siya at kanyang pamilya. Wala raw katotohanan ang mga paratang sa kanila. Ginagamit din daw ng mga senador ang Senado para “dungisan” ang kanyang pangalan. Ang dalawang senador daw na nagdidiin sa kanya ay may mga sariling ambisyon. Gusto raw ng mga itong tumakbo sa 2016 elections. Hindi raw nagiging parehas ang Senado sa pag-iimbestiga sa kanya.

Para sa amin, nararapat humarap sa Senado si Binay. Hayaan ang mga Senador na magtanong sa kanya. Magandang pagkakataon ang pagharap para masagot nang walang ligoy ang mga tanong. Kung magsasalita siya ngayon gaya nang sinabi ng kanyang tagapagsalita, wala rin itong epekto sa mamamayan. Kung haharap sa mga nag-iimbestiga, maipapaliwanag niya ang lahat. Mahalagang malinawan ang mga ibinabato sa kanya. Dito mapa­patunayan kung tapat at malinis siyang lider. Huwag laging ikatwiran na pinupulitika lang siya. Mahinang depensa ito. Kailangan siyang magpaliwanag.

 

vuukle comment

BINAY

CAVITE GOV

JONVIC REMULLA

MAKATI

NOONG HUWEBES

SENADO

SIYA

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with