^

PSN Opinyon

Mga sari-sari store pinapatay

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

KAYA ang agwat ng mayaman at mahirap sa bansang ito ay lalong lumalawak ay dahil sa greed ng mga mayayaman na lalong yumayaman.

Halimbawa, itong mga convenience store ngayon na naglilipana sa buong bansa tulad ng Mini-Stop, 7-Eleven, Family Mart, Lawson ay mga pag-aari ng mga ubod nang yaman na sina Gokongwei, Henry Sy, Paterno at iba pa.

Alam naman ng mga mayayamang nilalang na ito na ang pinapatay nilang mga negosyo ay ang mga sari-sari store sa mga pali-paligid na kahit papaano ay nakakadagdag sa income ng mga naghihikahos na pamilyang may-ari ng sari-sari store.

Hindi pa ba sapat ang bilyones na kinikita nila sa kanilang shopping malls na kung saan ang mga empleyado nila ay mga contractual o 555 na walang mga katatagan sa trabaho dahil tinatanggal sila bawat five months na labag sa security of tenure clause ng Saligang Batas?  Maliban sa pagiging 555, ang mga sahod nila ay hindi sapat ikabuhay.

Sa harap ng mga pangyayaring ito, nasaan na kaya si P-Noy?  Milyones ng mga “Boss” niya ay isinasalaula ng mga ganid na negosyante.

At si VP Binay, ano naman kaya ang ginagawa niya? Alam niya bilang abogado na ang contractualization ay labag sa security of tenure clause ng Saligang Batas. Bakit pinapabayaan niyang umiral ito sa Makati? Nagmistulang protektor tuloy siya ng mga hari ng contractualization na sina Zobel, Henry Sy, Gokongwei at iba pa.

At si Mar Roxas na gusto ring maging presidente ng Pilipinas, ano na ang nagawa niya  laban sa contractualization? Ooops, how foolish of me to ask this question. Pamilya pala ni Mar ang nagmamay-ari ng mga malalaking malls at negosyo diyan sa Cubao, Quezon City kung saan laganap din ang contractualization.

Kaya mga uring manggagawa at mga may-ari ng sari-sari store, inaanyayahan ko kayong sumali sa Respect Our Security of Employment (ROSE) Movement at sabay-sabay tayong manikluhod sa mga hari ng contractualization na anggihan naman kayo sa mga tinatamasa nilang mga kinikita.

Para sumali, bisitahin at i-like ang ating Facebook page sa www.facebook.com/rosemovementph or mag-text sa 09177929584, 09287444473 and 09287886514.

vuukle comment

ALAM

BAKIT

FAMILY MART

GOKONGWEI

HENRY SY

MAR ROXAS

QUEZON CITY

RESPECT OUR SECURITY OF EMPLOYMENT

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with