^

PSN Opinyon

Tiwala, kumpiyansa ni P-Noy inaabuso

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“NANANATILI ang tiwala’t kumpiyansa ng Pangulo sa kanya.” ‘Yan ang pinaka-malimit pero baog na salita ng Malacañang spokesmen tungkol sa sumasablay na presidential appointee. “Baog,” dahil sa dalawang rason: Una, walang saysay ang tiwala’t kumpiyansa ng Pangulo kung buwisit naman ang taumbayan. Ikalawa, nagiging hudyat ‘yon na ipagpatuloy ang kapalpakan dahil tila okey lang sa Pangulo.

Si PNP chief Alan Purisima ang huling pinagkalooban ng ka-baogan. Ito’y sa kabila ng balita ng lumalalang kriminalidad, ng pag-angal ng Chinoy community sa panunumbalik ng kidnapping for ransom, at sa pagsabi ng Joint Foreign Chambers na natatakot na ang mga dayuhang mamumuhunan. Dati nang walang pakialam si Purisima sa sitwasyon. Abala siya sa pagsulong ng kontrata ng mga kaibigan sa pag-deliver ng firearms licenses, at pagtayo ng bagong PNP Chief’s Mansion sa Camp Crame GHQ. Dahil sinabi ng Malacañang spokesman na tiwala’t kumpiyansa pa rin si President Noynoy Aquino, ipagpapatuloy ni Purisima ang maling gawi -- hanggang ibintang na ng madla ang kriminalidad kay P-Noy imbis na sa PNP chief.

Isa pang pinapurihan ng baog na pananalita si Agriculture Sec. Proceso Alcala. Ito’y sa kabila ng pagsipa nu’ng Mayo-Hulyo ng presyo ng bigas, bawang, luya, sibuyas, at iba’t ibang gulay at prutas. Buwisit ang middle class kay Alcala, na tila bilyon-pisong kickbacks lang mula sa rice imports ang inaasikaso. Dahil sa patuloy ng tiwala’t kumpiyansa ni P-Noy, siya ang sinisisi ng madla sa mga kasalanan ni Alcala.

Isa sa dating pinatigasang depensahan ni P-Noy si Customs chief Ruffy Biazon. Sinabon niya ito sa publiko dahil sa katiwalian sa ahensiya. Insinserong nag-resign si Biazon sa pamamagitan ng personal text message kay P-Noy, kaya kinaawaan at pinanatili ito sa puwesto. Nagpatuloy­ din ang katiwalian -- hanggang labis nang napahiya si P-Noy sa mundo. Saka lang binulungan si Biazon ng, “Supi!”

 

vuukle comment

AGRICULTURE SEC

ALAN PURISIMA

ALCALA

BIAZON

CAMP CRAME

DAHIL

P-NOY

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with