^

PSN Opinyon

Miyembro ng Apo, inagawan ng negosyo sa mall

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang galit na galit ang isang miyembro ng Apo Hiking Society sa isang mall dahil mistulang inagawan siya ng kanyang negosyo?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Brig. Gen. Rodrigo Diapana ng Philippine Army, Bro Joel Lapaz ng Mt. Mainam Lodge 49,  Pinong Kadyot Lagare ng Love Radio, Mylou Permijo ng Tolosa, Leyte at Consolacion Alegre. Alam n’yo bang nawala ang negosyo ng isang miyembro ng sikat na bandang Apo Hiking Society dahil sa kasakiman diumano ng isang malaking mall?

Ayon sa aking bubwit, nalugi ang negosyo ni Danny Javier ng Apo dahil pinagkainteresan ang kanyang mga magagandang T-shirts. Ito ay ang mga T-shirt at mga damit na tatak Pidro.

Si Javier ay inalok na magtinda sa mga mall ng isang negosyante. Binigyan pa siya ng magandang puwesto sa bungad upang ito ay madaling makita at daanan nang maraming tao.

Dahil maganda at unique naman ang mga T-shirts noon ni Javier, ito ay kumita at bumenta. Kaya lang nang sumisikat at kumikita na ang kanyang mga damit, biglang inilipat ang kanyang puwesto sa may looban ng mall.

Dahil hindi maganda ang puwesto, naapektuhan ang kanyang benta. Hiniling niya na ibalik siya sa dating magandang puwesto. Pumayag naman ang owner ng mall pero hinihingan naman siya ngayon ng dagdag na bayad sa renta.

Pero ang malupit dito, ‘yung t-shirts at mga disenyo nito na Tatak Pidro ay ginaya ng may-ari ng mall at ibinenta pa ng higit na mas mura sa loob din mismo ng mall.

Dahil sa ganitong pangyayari, nalugi at nagsara na lamang ang tindahan ni Javier at inilipat sa ibang mall.

Ayon sa aking bubwit, ang mall na kinaiinisan ngayon ni Danny Javier ng Apo Hiking Society  ay ang mall ng pinakamayamang negosyante sa Pilipinas.

vuukle comment

APO HIKING SOCIETY

AYON

BRO JOEL LAPAZ

CONSOLACION ALEGRE

DAHIL

DANNY JAVIER

JAVIER

LOVE RADIO

MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with