^

PSN Opinyon

‘Supplemental budget, kapalit ng DAP’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

GASGAS na para sa ilan ang isyu ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) pero marami pa rin ang lito at hindi nakakaunawa dito. Dahil naging ‘national past time’ na ang DAP, nadadala nalang ang marami sa depensa ng administrasyon na ito ay ginawa para sa kapakanan ng nakararami.

Isinusulong ngayon ng ehekutibo sa Kongreso ang supplemental budget. Ito daw ang gagamitin para maipagpatuloy ang mga proyektong naiwang nakatiwangwang matapos ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional o ilegal ang DAP.

Pero para sa BITAG Live, ang supplemental budget ay kapalit lang ng DAP. Nag-iba lang ng pangalan at katawagan. Ma­linaw na ang pagsusulong nito ay nangangahulugang tahimik na pag-aayon ng ehekutibo sa kautusan ng Korte Suprema sa kanilang mga pinaggagawang mali at ilegal. Alam nilang mali ang kanilang ginawang “cross-border fund transfer.’

 Ayon kay Senate President Franklin Drilon, nagkatalo lang daw sa depinisyon ng “savings” ang ehekutibo at hudikatura kaya ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP. Sa punto ng BITAG Live, tulad na rin ng sinabi ng Kataas-taasang Hukuman, ang “savings” ay ang mga natipid ng isang departamento ng pamahalaan dahil sa maayos, masinop at magaling na pangangasiwa ng namumuno.

 Hindi ito yung “savings” o “ipon” na sinadya at inobligang pagtitipid tulad ng nangyari sa DAP kung saan si Budget Secretary Butch Abad ay nagpaikot ng sirkular sa bawat departamento ng pamahalaan. Kaya ang nangyari, sa kaniyang matalinong pamamaraan, nabuo ang DAP. Sa halip na isuko ang lahat ng “savings” sa National Treasury at idagdag sa pondo sa susunod na taon, ginawa itong “stimulus fund.”

Hindi ito dumaan sa General Appropriations Act (GAA) o sa taunang deliberasyon ng pondo sa Kongreso kung saan nalalaman at nakikita ni Juan Dela Cruz ang bawat proyekto, aktibidades at programa (PAP) ng gobyerno. Nililinaw ko lang, hindi masama at walang masama sa pagtitipid. Nagiging masama lang ito kung hindi dumaan sa tama at legal na proseso alinsunod sa ina ng lahat ng batas o ang Konstitusyon.

 Sa isyu ng kontrobersyal na DAP, hindi pinag-uusapan dito ang governance o pamamahala. Ang pinag-uusapan dito ay ang legalidad kahit na sabihing “it was done in good faith” at taumbayan ang nakinabang.

 Hindi titigil ang BITAG Live sa pagtalakay at pag-aanalisa ng isyu ng katiwalian, pagmamalabis at pangungurakot sa kaban ng bayan. Malaki ang ginagampanang papel ng mamamayan na magsisilbing “watchdog” sa mga pondo ng pamahalaan. Subalit, maisasakatuparan lang ito kung paiiralin na ang Freedom of Information Law.

 Ang problema, sa 26 na mga nakabinbing panukala ngayon sa Kongreso, nasa numero 18 lang ang FOI Bill bilang prayoridad na maging batas ng Pangulong Noy Aquino.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

vuukle comment

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DAP

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FREEDOM OF INFORMATION LAW

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

KONGRESO

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with