^

PSN Opinyon

Ganito kapeligroso sa kalsada

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINAGHAHANAP na raw ng mga pulis ang nag-mamaneho ng SUV na nakuhanan sa video na nanutok ng baril sa nakagiriang taxi drayber sa EDSA. Pasahero ng pampublikong bus na nakasunod sa magkaaway na sasakyan ang nakakuha ng video. Kita sa video ang pagbunot niya ng baril, habang armado ng patalim ang drayber ng taxi. Pero hindi ito pinaputok. Umalis nang kusa ang nanutok, pero sinundan ito ng taxi. Nang mag-abot, sadyang hinarang ng taxi ang SUV. Hanggang doon na lang ang video at nakalampas na ang bus na sakay ng kumuha ng video.

Nagpakita na ang drayber ng taxi sa mga otoridad. Sabi niya, sinadya niyang harangin ang SUV para mahuli silang dalawa ng MMDA, para hindi na siguro magbunot ng baril ang nakagirian. Pero siguro walang MMDA, at umalis muli ang SUV. Kitang-kita ang plaka ng SUV, pati ang mukha ng drayber, kaya hindi ko alam kung bakit hindi pa matukoy ng mga otoridad, maliban na lang kung nagtatago na rin. Siguro may kilalang malakas na padrino ito, kaya naglabas ng baril. May kasabihan na kung manunutok ka, iputok mo na. Siguro natauhan na maraming testigo sa kanyang paligiran, kaya minabuting umalis na lang. Pero nakuhanan na siya ng video.

Ganito kapeligroso ang mga kalsada natin. Hindi mo alam kung kailan ka matututukan ng baril. Sasabihin na naman ng mga Pro-Gun na mga responsableng tao lang ang nagdadala ng baril. Hindi natin alam ang pinagmulan ng girian, pero kailangan bang maglabas ng baril? Ayon sa drayber ng taxi, hindi naman sila nagkatamaan sa kalsada, kaya hindi niya alam kung bakit siya tinutu­kan. Naghihigpit ngayon ang PNP sa pagbigay ng mga lisensya ng baril. Nagrereklamo na nga ang marami, pati mga negosyo. Sa tingin ko halimbawa ito ng hindi dapat bigyan ng lisensya. Kung walang baril ito, tingin ko hindi na makikipag-away sa taxi at tumuloy na lang sa lakad niya. Pero dahil may baril, matapang, na siya ring binigkas ng kumuha ng video. Alam na lamang siya. Sana naman mahanap at mapakinggan na rin ang kanyang bersyon ng pangyayari. Pero ganun pa man, ipinakita niya na hindi siya dapat bigyan ng lisensyang magdala ng baril sa labas ng bahay. Lahat na lang ng makagirian sa kalsada ay tututukan na lang. Paano kung sa ibang insidente, pinaputok na niya? Paano kung ikaw iyon?

vuukle comment

BARIL

KUNG

LANG

PAANO

PERO

SIGURO

TAXI

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with