^

PSN Opinyon

Pagbati ni Ka Biyong Garing sa INC

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MALUGOD na bumabati si Atty. Biyong Garing sa ika - Isang daang anibersaryo ng Iglesia Ni Kristo sa Lunes.

Hindi lang si Ka Biyong ang bumabati dito kundi pati na rin ang mga pamilya Naujan sa Oriental Mindoro ay nakikiisa rin sa selebrasyon ng INC.

***

Gumagasgas sa pangalan ni CPNP Purisima

 

PURO police dogs este mali policemen pala na nagpapakilalang mga kolektor ang umoorbit sa Metro Manila para ‘tarahan’ ang mga gambling lord at mga putahan owner puera pa rito ang panghihingi nila ng dyapit sa mga drug lord at pusher ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang basta diyosa ang tinitira ng mga ito kundi isinasama rin nila sa kanilang sistema o kalakaran ang pagkuha ng salapi sa mga kilalang ‘drug lords’ at ang pinaka-masama sa mga ginagawa ng mga hinayupak na ito pangalan ni CPNP Allan Purisima ang gamit ng mga lintek sa kanilang mga raket.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagsisikip daw ang Metro-Manila sa pagkuha ng mga intelihensiya ng mga sinasabing kolektor ni Purisima weekly.

Inginuso ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga gumagasgas sa pangalan ni Purisima sa ‘intelihensiya’ mula sa mga gambling lord, putahan lords at maging sa drug lords na sina Jojo a.k.a ‘kara y krus’, isang alyas Cris, alyas Kamoteng Espeleta, alyas Boy ‘Goga’, at isang alyas empanado este mali Lagapot ‘llanado.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alam diumano ng intel community at CIDG ang lakad ng mga kamote sa itaas pero wala silang magawa dahil si Purisima daw ang gamit ng mga ito ?

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

‘Hindi ba nakakarating sa kaalaman ni SILG Mar Roxas ang mga pangalan ng mga buwisit na ito at mukhang pati ang intel group ng DILG ay walang pakialam sa nangyayari?’ anang kuwagong baliktarin.

‘Si General Valmoria ng NCRPO ano ang sabi sa mga pangahas ?’ tanong ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

‘Siempre wala !’

Bakit naman ?

Baka hehehehe .....alam mo na ?

Ang ano ?

Ang kalakaran... saan ?

Sa pitsa ?

Abangan.

  ***

 

NAIA T3 full blast na sa July 31

 

LIMANG international airlines from abroad ang lumipat sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3 para dito na magsakay at magbaba ng kanilang mga pasahero from aboard este mali abroad pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, full blast na ang operasyon ng NAIA terminal 3 kaya maa­lingsangan na ito sa mga pasahero. Hehehe !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiyak maraming pasahero ang bababa sa nasabing paliparan patungo sa iba’t-ibang lugar,  sana bago mahuli ang lahat ay pag-isipan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority kung paano hindi maloloko ang mga pasahero dito na sasakay ng mga taxi lalo na ang mga nakapila sa kanilang terminal sa may labas ng airport na walang ginawa kundi ang lagaputin ang mga bagong salta sa lugar.

Sabi nga, kilos na !

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ALLAN PURISIMA

AYON

BIYONG GARING

IGLESIA NI KRISTO

PURISIMA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with