^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 100 milyon na ang mga Pilipino!

Pilipino Star Ngayon

SA Linggo, ganap na 12:06 a.m. papalo na sa 100 milyon ang mga Pilipino. Ayon sa Population Commission (PopCom) pinagbasehan nila ang pagdami ng mga Pilipino sa mga isinisilang na sanggol araw-araw. Ayon sa PopCom, 4,609 sanggol ang isinisilang araw-araw sa buong bansa.

Hindi pa rin mapigilan ang pagdami ng mga Pinoy­ sa kabila na may mga programa na ang pamahalaan para sa tamang pagpaplano ng pamilya. Noong 2012 ay ipinasa na ang Reproductive Health (RH) bill na ang layunin ay maisaayos ang pagpaplano ng pamilya at mailigtas din ang mga kababaihan sa panganib nang maaagang  pagbubuntis.

Kahit may batas na ukol dito, hindi pa rin mapi­gilan ang paglobo ng populasyon. At sa patuloy na pagdami, tiyak na dadami rin ang problema sa bansa. Unang problema ay ang pagdami ng mga magugutom. Dahil marami, kukulangin ang pagkain. At ikalawa, darami ang krimen. Dahil walang maibili ng pagkain, mapipilitan ang ilan na magnakaw. Magpapatuloy din ang kakapusan sa tirahan at malaking sagabal sa paglikha ng mga trabaho. Sa kasalukuyan, marami ang walang trabaho at kaila­ngan pang mangibang bansa para makapagtrabaho.

Hindi napanatili ng Pilipinas ang pagmi-maintain sa tamang dami ng populasyon. Noong dekada 60, halos nagkakapareho ang populasyon ng Pilipinas at Thailand. Pero nang sumapit ang dekada 80, nagsimula nang dumami ang mga Pinoy. Ang Thailand ay napanatili ang tamang populasyon. Kung ano ang populasyon noon, ganun pa rin ngayon. Kaya maunlad ang Thailand. Hindi sila kinakapos sa pangangailangan.

Mahusay ang population management ng Thailand kaysa Pilipinas. Nasira ang mga plano ng Pilipinas sa tinatahak na landas sa katamtamang dami. Nagkaloko-loko ang mga pondo sa mga health centers na nagbibigay ng payo sa mga bagong kasal. Nawala ang mga pagtuturo kung paano ang tamang pagpaplano at dami ng mga anak.

Nararapat manatili ang katamtamang dami ng mga Pilipino para maiwasan ang pagkagutom at pagtaas ng krimen. Imulat ang mamamayan sa wastong populasyon.

vuukle comment

ANG THAILAND

AYON

DAHIL

NOONG

PILIPINAS

PILIPINO

PINOY

POPULATION COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with