^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dusa ng motorist sa EDSA

Pilipino Star Ngayon

HINDI pa tapos ang kalbaryo at pagdurusa ng mga motorista kahit tapos na ang Semana Santa. Nang magbalik sila mula sa probinsiya makaraang gunitain ang Mahal na Araw, panibagong kalbaryo ang kanilang hinarap sa EDSA, grabeng trapik dahil sa ginagawang reblocking sa nasabing highway. Hindi nagkatotoo ang sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos ng apat na araw (mula Huwebes Santo hanggang Linggo) ang pagsasaayos sa EDSA. Lunes ng umaga ay grabeng trapik na ang naranasan sa EDSA at maski ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay nataranta sa pagkabuhul-buhol ng trapiko. Inaasahan din ng MMDA na tapos na ang reblocking sa mga bahagi ng EDSA subalit nabulaga sila sapagkat hindi pa inaalis ng DPWH ang mga harang sa inayos na portion. Ang mga harang ang iniiwasan ng motorista kaya nagkaroon ng grabeng trapik. Walang nagawa ang MMDA kundi sila na ang nag-alis ng mga harang para madaanan na ang mga sinimentong portion ng EDSA. Binomba rin ng tubig ang mga sinementong bahagi para maalis ang mga buhangin at alikabok. Delikado sa mata ng drayber ang mga alikabok sapagkat nakakapuwing na maaaring maging dahilan ng aksidente.

Hindi naman mahagilap noong Lunes ang DPWH-NCR director para magpaliwanag kung bakit hindi natapos sa takdang araw ang mga reblocking sa EDSA.

Paliwanag naman kahapon ng DPWH, na-atrasado ang paggawa sa EDSA dahil na rin sa MMDA na hindi muna pinasimulan ang rebloc­king. Naatrasado umano ang paggawa ng 16 na oras dahil sa pagpigil ng MMDA. Ayon pa sa report, hindi agad nag-isyu ng permit ang MMDA para sa reblocking kaya natagalan ang paghuhukay.

Nagtuturuan ang dalawang ahensiya. Sa halip na magturuan, mas maganda kung pabilisin    ang reblocking para hindi na magdusa ang mga motorista. Huwag na silang pahirapan.

vuukle comment

ARAW

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDSA

HUWEBES SANTO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with