^

PSN Opinyon

Angkop na kagamitan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAS napapabilis na ang paghatid ng tulong sa mga nangangailangan, ngayong ginagamit na ng Amerika ang kanilang mga helicopter para magdala ng relief goods, lalo na sa mga lugar na mahirap puntahan. Ito ang nagagawa ng angkop na kagamitan sa panahon ng kalamidad. Bukod sa mga helicopter na tumutulong na, sana mapakinabangan rin ang iba pang kagamitan, partikular mga barko na puwedeng magsakay ng mga trak na nakapila sa Matnog, at naghihintay ng magdadala sa kanila sa Samar at Leyte. Mas marami pa ang makakatanggap ng tulong kapag nagawa iyan.

Dito na rin dapat pinag-aaralan ang mga kailangang kagamitan ng gobyerno, para maka-responde ng mabilis sa kalamidad. Kung namimili na rin lang ang gobyerno ng mga modernong kagamitan para sa AFP, kailangan isipin na rin ang mga gamit na puwedeng magamit sa kalamidad. Hindi ito ang huling malakas na bagyong tatama sa bansa. Sa totoo nga, madalas tayong mapuruhan ng bagyo, pero ngayon lang tayo napuruhan ng ganitong klaseng bagyo. Lahat nabigla sa lawak ng pinsalang dulot ng Yolanda. Mismong mga “storm chasers” o mga dalubhasang pinag-aaralan ang mga bagyo ang nagsabing kakaiba ang lakas ng Yolanda.

Kailangan ng militar ang mga heavy-lift helicopters. Halos lahat ng helicopter ng AFP ay pantao lamang ang disenyo, at hindi makapagdadala ng mabigat na kagamitan tulad ng mga trak, bulldozer, malaking generator at iba pa. Isipin na lang natin kung may mga helicopter ang AFP na kayang magbuhat ng mga bulldozer o trak, walang problema ang pagdala nito kahit saan sa bansa. At kung bulldozer ay kayang dalhin, paano pa ang napakaraming relief goods at tao.

Isa pa ay ang mga barko na puwedeng magsakay ng mas maraming trak. Isla ang Leyte at Samar. Mga tulay ay hindi kaagad nagamit dahil sa bagyo, kaya sa dagat lang puwedeng dumaan para makarating sa isla. Kung mas maraming barko na may kapabilidad magsakay nang maraming trak, mas mapapabilis din ang pagdala ng tulong. Sa totoo lang, hindi sapat ang mga ro-ro na ginagamit ngayon. Marami ang matututunan mula sa naganap na kalamidad na ito. Malinaw na hindi tayo handa, at wala tayong malawak na kakayanan para harapin kaagad ang napakalaking pinsala. Sana hindi na maulit. Pero kung sakaling maulit, dapat mas handa na dahil sa karanasan nating lahat sa bagyong Yolanda.

vuukle comment

AMERIKA

BUKOD

DITO

ISA

ISIPIN

LEYTE

SAMAR

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with