^

PSN Opinyon

Pagdiriwang ng National Maritime Week

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

IPINAGDIRIWANG sa bansa (Setyembre 23-29) ang National Maritime Week bilang pagpapahalaga sa in-dustriya ng paglalayag, partikular ang pagbibiyahe ng mga tao o produkto sa pamamagitan ng barko at bangka.

Ito ay kaugnay ng World Maritime Day na itinakda ng United Nations International Maritime Organization (IMO) sa loob ng huling linggo ng Setyembre taun-taon.

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1094, pinagtibay ng pamahalaan ng Pilipinas ang buong linggong selebrasyon na nagsama-sama sa mga nauna na nitong okasyong National Seafarers Day (NSD) at National Maritime Day (NMD).

Ang pandaigdigang tema ng okasyon ngayon ay “Sustainable Development: IMO’s Contribution beyond Rio+20,” patungkol sa UN Conference on Sustainable Development na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil noong 2012.

Isang mahalagang pinagkasunduan ng mga bansa sa nasabing komperensiya ay ang pangangalaga sa karagatan at ang mga responsibilidad ng lahat ng mga gumagamit o dumadaan dito para sa kanilang industriya.

Binigyang-diin ng IMO na ang maritime industry ang pinaka-“reliable, global, cost-effective and energy-efficient mass transportation method for energy, materials, foods and industrial products.” Iginiit nito ang panga-ngailangang isulong ang “safety, security and efficiency” ng maritime industry kasabay ng pagtitiyak ng panga-ngalaga sa karagatang nagsusustina rito. Nagbigay-pu­gay din ang IMO sa milyun-milyong nagtatrabaho sa naturang malawak na industriya.

Lalong mahalaga ang okasyon ngayong taon dahil opisyal nang naging epektibo noong Agosto 20, 2013 ang Maritime Labor Convention 2006 na itinuturing na pandaigdigang “bill of rights of seafarers” at nagsasaad ng pagkilala, pagrespeto at pagsusulong ng mga karapatan ng mga marino sa buong mundo, kabilang ang kanilang proteksiyon, maayos na suweldo, benepisyo, kagalingan at iba pang panlipunang pangangailangan.

Si Senator Jinggoy Ejercito Estrada, bilang chairman ng Committee on labor, employment and human resources development, ang nag-co-sponsor ng resolusyon para sa ratipikasyon ng tinaguriang MLC 2006. Ipinupursige rin niya ang Senate Bill 21 o Magna Carta for Filipino Seafarers na ibayong nagsusulong ng mga karapatan at pag-unlad ng mga marino at kanilang pamilya.

Mabuhay ang mga marino! Mabuhay ang maritime industry! pandaigdigang “bill of rights of seafarers” at nag­­sasaad ng pagkilala, pag­ respeto at pagsusulong ng mga karapatan ng mga marino sa buong mundo, ka­bilang ang ka­ni­ lang pro­ teksiyon, maayos na su­weldo, benepisyo, kagalingan at iba pang panlipunang panganga­ila­ngan.

Si Senator Jinggoy Ejer­cito Estrada, bilang chairman ng Committee on labor, employment and human resources de­velopment, ang nag-co-sponsor ng resolusyon para sa ratipikasyon ng tinaguriang MLC 2006. Ipinupursige rin niya ang Senate Bill 21 o Magna Carta for Filipino Seafa-rers na ibayong nagsusu­long ng mga karapatan at pag-unlad ng mga marino at kanilang pamilya.

Mabuhay ang mga ma­rino!

Mabuhay ang maritime industry!

 

vuukle comment

FILIPINO SEAFA

FILIPINO SEAFARERS

MABUHAY

MAGNA CARTA

MARITIME

SENATE BILL

SHY

SUSTAINABLE DEVELOPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with