^

PSN Opinyon

Pinakamalaking pag-unlad sa Asya!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PANAY puri ang natatanggap ng bansa ngayon kung ekonomiya at pag-unlad ang pag-uusapan. Ang Pilipinas daw ngayon ang may pinakamalaking pag-unlad sa Asya, sa tunog ng 7.8% na paglaki ng ekonomiya. Sino ang mag-aakala na ang bansa ay aabot sa ganitong antas, at maghahango ng puri sa larangan ng ekonomiya!

Sigurado hindi ito naisip ng nakaraang administrasyon, kung isang ekonomista pa naman ang Presidente. Malaki talaga ang nahihigop ng korapsyon at katiwalian, na nagsisilbing balakid sa paglaki ng ekonomiya. Mas may tiwala ang lahat ng negosyante at kompanya sa patakbo ng gobyerno.

Ayon sa mga eksperto, kaya lumaki ang ekonomiya ay dahil na rin sa malakas na paggastos ng mga consumer, at ang paglakas ng mga pabrika at pagbaba ng mga ina­angkat na produkto. Lumalakas talaga ang ekonomiya kapag maraming gumagastos at namimili, dahil lumala­kas din ang produksyon ng mga produkto at serbisyo. Maraming umiikot na pera.

Ayon sa kasaysayan, kaya lumakas nang husto ang Amerika ay dahil lumaki at lumakas ang middle class nito. Nabuhay nang husto ang ekonomiya, at lumakas ang bansa. Pangarap ko lang na ang Pilipinas ay gumaya sa nangyari sa Amerika. Pangarap lang naman.

Pero marami pa rin ang mahirap, marami pa rin ang gutom. Ang Maynila nga ay nalalarawan pa sa isang nobela na marumi, matinding trapik at umaapaw ng masasamang bisyo. Totoo man o hindi, hindi maitatanggi ang nakikita  sa lansangan. Kaya papaano mararamdaman ng mga mahihirap, mga gutom ang ganda ng ekonomiya? Bukod sa pagbigay ng trabaho sa mga mahihirap, ang gobyerno rin ang dapat magpaganda ng mga pangunahing serbisyo tulad ng kalusugan at edukasyon.

Kung mapapaganda lang at mapaparami ang tatlong aspetong ito para sa mga mahihirap, hindi malalayo na tayo ay umunlad pa nang husto sa mga darating na taon. Kung may trabaho, may mabibiling pagkain. Kung edukado, makaka-hanap ng magandang trabaho at sahod. At kapag may magandang programa ang gobyerno para sa kalusugan, may sasalo sa mga mahihirap sa mga panahon na kailangan na kailangan nila. Paano hindi gaganda ang ekonomiya, tulad nga ng mga mayayamang bansa, kung maayos ang tatlong aspetong iyan? Ganun pa man, patuloy ang bansa sa pag-unlad, at baka ma­lampasan pa natin ang sam­pung porsyento, na mahirap ding makuha.

vuukle comment

AMERIKA

ANG MAYNILA

ANG PILIPINAS

ASYA

AYON

BUKOD

EKONOMIYA

PANGARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with