^

Metro

Gusali ng Yakult Philippines natupok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilamon ng apoy ang anim na palapag na gusali ng Yakult Philippines matapos na sumiklab ang sunog na tumagal ng may 19 na oras sa Agoncillo St., Ermita, Maynila simula hapon ng Sabado hanggang Linggo ng umaga.

Bagama’t may mga manggagawa na nasa gusali nang magsimula ang sunog ay pawang nakaligtas sila at walang napaulat na nasaktan.

Ayon kay Manila Fire District- Operations chief, Chief Insp. Crossib Cante, nagsimula ang apoy sa ika-apat na palapag ng gusali alas-4:30 ng hapon nitong Enero 20 na umabot sa ikatlong alarma subalit tumagal bago tuluyang ideklarang fire-out alas-11:30 ng umaga ng Linggo.

Maraming kagamitan at papel na nasa gusali kaya makapal na usok ang sumalubong sa mga bumbero na gumamit pa ng kemikal na kumontrol sa supply ng oxygen upang hindi na lumala.

Hindi rin nakaapekto sa mga katabing gusali at establisim­yento ang sunog.

Nabatid na 24 oras ang operasyon sa Yakult building kaya maraming empleyado ang nasa gusali nang maganap ang sunog.

Inaalam pa ang dahilan ng sunog at ang kabuuang pinsala nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with