^

Metro

2 bahay sa Taguig ni-raid ng PDEA: 8 katao huli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang walo katao kabilang ang isang ginang matapos ang isinagawang magkasunod na pagsalakay sa dalawang bahay sa magkatabing barangay sa Taguig City noong Sabado ng hapon.

 Pasado alas-5 ng hapon nang unang salakayin ng PDEA ang bahay ng target na suspek na si Melchie Ortega, 42, sa may Pag-asa Avenue, Brgy. Katuparan, ng naturang lungsod.

 Kasama pa sa bahay ni Ortega ang kanyang dalawang maliliit na anak nang pasukin ng mga operatiba. Nakumpiska sa loob ng bahay ang ilang plastic sachet na nasa 22 gramo ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

 Itinanggi ni Ortega na sa kanya ang nakuhang ilegal na droga na umano’y ipinatago lamang umano sa kanya. May galit lamang umano sa kanya ang kanyang ilang kapitbahay kaya isinuplong siya.

 Sumunod na sinalakay ng PDEA ang isang bahay sa may Balimbing St. sa katabing Brgy. North Signal Village. Kasama umano ito sa ibinigay na tip ng kanilang impormante. Dito na­dakip ang mga suspek na sina Kim Joy Altobano, 35; Maximo Que Matias, 40; Albert Altobano, 48; Ronaldo Peñano, 53; Rey Costinar, 20; Jerald Tolop, 29, at Jonathan Baltazar, 32.

 Nakumpiska naman sa kanilang bahay ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P100,000 ang halaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with