Atty. Lizada, nagbitiw na spokesperson ng LTFRB
MANILA, Philippines — Hindi na ngayon magiging abala si Atty. Aileen Lizada sa pagsagot sa kaliwa’t-kanan sa mga media sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ay makaraang magbitiw si Lizada bilang opisyal na tagapagsalita ng LTFRB.
Hindi naman sinabi ni Li-zada ang dahilan ng kanyang pag-iwan sa puwesto bilang spokesperson ng ahensiya.
Gayunman, mananatili namang board member ng LTFRB si Lizada.
Wala pa namang naita-talagang bagong spokesperson ng LTFRB si Chairman Martin Delgra.
Sa LTFRB, mainit ang usapin dito ngayon ng public utility vehicle modernization na nagdulot ng pagphase-out sa mga lumang jeep.
- Latest