^

Metro

Ex- OFW timbog sa large scale ng illegal recruitment

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa  mga nabiktima ng isang dating Overseas Filipino Worker na  naaresto ng mga operatiba ng NBI-Criminal Intelligence Division (NBI-CRID)  matapos ireklamo ng anim na nabigong makaalis patungong Saudi Arabia, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni Director Dante A. Gierran ang suspek na si Rico Paguio, dating nagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia at residente ng Dagupan St., Tondo, Maynila.

Nadiskubre ng anim na indibidwal na ang suspek ay hindi naman konektado sa Sunergeous Manpower Services Corporation, taliwas sa kaniyang sinabi, at resigned na umano noon pang Pebrero 2017.

Ikinagalit ng mga biktima ang  panlilinlang ng suspek  nang malaman na wala itong authority na magrecruit ng manggagawa para sa ibayong dagat batay sa inilabas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nagdesisyon ang anim na isuplong sa NBI nang muli silang hingan ng karagdagang bayad para umano sa processing fee ng mga dokumento.

Nitong nakalipas na Enero 11, nakipagkita ang mga biktima sa suspek sa isang mall sa Maynila at doon na siya inaresto.

Nakapiit sa NBI  ang suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act  8042 (Large Scale Illegal Recruitment) at Estafa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with