^

Metro

Tracker teams ikinalat ng PNP vs mag-asawang Tiamzon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpakalat na ng tracker teams ang Phi-lippine National Police (PNP) upang arestuhin ang mag-asawang mata­as na lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos sa press briefing sa Camp Crame kasunod naman ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 32 para arestuhin muli ang mag-asawa.

Kasabay nito,  sinabi ni Carlos na may lead na sila sa pinagtataguan ng mag-asawang Tiamzon pero tumanggi itong magbigay ng detalye dahilan baka mabulilyaso ang dragnet operations .

Sinabi ni Carlos na ilang tracker teams ang ipinakalat ng PNP –CIDG sa buong bansa upang hanapin ang mag-asawang Tiamzon sa mga lugar na maari ng mga itong puntahan at pagtaguan.

Si Benito ang sinasabing Chairman ng CPP-NPA habang ang misis nitong si Wilma ang tumatayong Kalihim ng makakaliwa at teroristang organisasyon.

 Nabatid na ang warrant of arrest ay inisyu ng korte matapos namang ibasura ang ‘motion for bail’ ng mag-asawa at isa pang lider ng mga komunistang terorista.

Magugunita na noong Agosto 2016 ay ipinag-utos ni Pangulong Ro-drigo Duterte ang pagpapalaya sa mag-asawang Tiamzon at 17 iba pang lider ng CPP-NPA upang makibahagi sa peace talks alinsunod sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Gayunman, ipinatigil na ni Pangulong Duterte ang peace talks                 sa CPP-NPA sa ilalim ng Proclamation No. 360 at idineklara rin ang mga itong terorista.

Samantalang dahilan sa ipinalabas na desisyon ng korte nitong ika-11 ng Enero ng taong ito ay epektibo na muli  ang pag-aresto sa mga lider ng CPP-NPA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with