^

Metro

Droga at paraphernalia nadiskubre sa isang high-end condo unit sa BGC

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng pulisya ang hinihinalang ibat-ibang uri ng droga at paraphernalia mula sa isang high end condominium sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig  City, kamakalawa ng hapon.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), nagtungo si Maria Cherryl Rentteron sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP) 7, Taguig City Police upang ireklamo ang isa sa kanyang mga tenant na si Benjamin De Vera dahil sa hindi umano nito pagbabayad ng buwanang upa sa isang unit sa isang high end condo sa Bonifacio Global City (BGC) ng naturang siyudad.

Dahilan upang kaagad na umaksiyon ang mga pulis sa pamumuno ng kanilang commander na si Police Sr. Inspector Romel Bulan, kasama ang opisyal na barangay at alas-3:50 ng hapon ay nagsagawa sila ng pagsalakay sa naturang condominium.

Nang buksan ng mga awtoridad ang unit na inuupahan ni De Vera ay wala siya roon at tumambad lamang sa kanila ang isang bote, 1 ziplock transparent plastic bag, 1 small plastic con­tainer, na pawang naglalaman ng hinihinalang mari­juana, 1 unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting­ powder na hinihinalang cocaine, 10 packs ng Valium, 20 pirasong syringe na naglalaman ng likido na hinihinalang droga pa rin, 1 kahong tooter, 1 plastic bote na naglalaman ng 29 pirasong Viagra, 1 plastic na bote na naglalaman ng pitong pi­rasong Vitraca tablet, 1 large weighing scale, 1 medicine container na nag­lalaman ng assorted tablets at kapsula, 3 small weighing scale, 2 medium weighing scales, 1 resibo at resibo pa rin ng driver’s license na nakapangalan kay De Vera.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with