^

Metro

Aberya pa sa MRT-3: 180 pasahero pinababa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang nagkaroon ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit  Line 3 (MRT-3) sanhi upang pababain ang may 180 pasahero nito kahapon ng umaga.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong alas-9:15 ng umaga nang makaranas ng electrical failure ang motor ng naturang tren, na dulot umano ng mga lumang electrical sub-components.

Dahil dito, napilitan ang pamunuan ng MRT-3 na pababain ang kabuuang 180 pasahero sa bahagi ng northbound section ng GMA-Kamuning Station sa Quezon City.

Gayunman, mabilis namang naisakay ang mga apektadong pasahero sa panibagong tren matapos ang pitong minuto para maihatid sa kani-kanilang destinasyon.

Ang tumirik namang bagon ay hinatak pabalik ng MRT-3 depot sa Quezon Avenue, Quezon City para isailalim sa preventive maintenance.

Muli na namang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasaherong apektado ng panibagong aberya. 

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa mula sa North Avenue, Quezon City patungo ng Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with