PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Negosyante natagpuang patay

MANILA, Philippines — Isang negosyanteng intsik ang natagpuang patay bunsod ng maraming saksak sa kanyang katawan sa tinitirahan nitong townhouse sa Barangay Tambo, Parañaque City, naiulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rongdiao Shi, 47, may asawa, at nakatira sa #22 Villa Carolina Town House, Brgy. Tambo ng naturang siyudad.

Kinilala naman ng pulisya ang person of interest na helper nitong si Rocky Del Fuente, taga-Sampaloc, Maynila at ina­alam na rin ang pagkakakilanlan ng isang babae na umano’y kasabwat nito batay sa salaysay ng guwardiya ng naturang townhouse

Alas-12:10 ng madaling araw nang matagpuan ang wala nang buhay na biktima at nakita ng naka-duty na guwardiya ng Carolina Townhouse si Dela Fuente at ang kasabwat nitong babae na may dalang isang bagong electric fan na pag-aari umano ng biktima hanggang sa sumakay ang mga ito sa isang taxi na may plakang UWN-694.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso habang anggulong pagnanakaw naman ang tinitignang motibo sa natu­rang pamamaslang sa biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: