^

Metro

Obrero inakalang kawatan, tinodas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatay ang 44-anyos na obrero na inakalang magnanakaw matapos itong saksakin ng tindero sa bisinidad ng Nadurata Street sa 7th Avenue, Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa leeg at likurang bahagi ng katawan kung saan namatay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si  John Paloma ng Ilang-Ilang Street, Barangay Malibong Matanda sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Nakakulong naman sa police detention cell ang suspect na si Domingo Banguilan, 56, ng Gana Compound, Barangay Ba­lintawak, Quezon City.

Base sa police report na nakarating kay Caloocan City  police deputy chief for administration P/Chief Insp. Ilustre Mendoza, naitala ang insidente bandang  alas-9 ng gabi sa Nadurata St., 7th Avenue.

Ayon sa ulat, nag-aalaga ng panabong na manok ang biktima nang dumating ang suspect.

Kinompronta ng suspect na nauwi sa mainitang pagtatalo ang biktima matapos umano nitong mapagkamalan magnanakaw.

Sa kasagsagan ng pagtatalo ng dalawa ay pinagsasaksak ng suspect ang  biktima.

Tinangkang tumakas ni Banguilan subalit naaresto ng security guard na si E-are Perez, 23, ng Cybertising Philippines Inc.

Habang isinugod naman ang biktima ng kanyang asawa na si Analyn sa pagamutan subalit namatay din.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with