^

Metro

2 Liberian natimbog ng NBI sa fake dollars

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Liberian national ang naaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) sa reklamo ng isang negosyante na nadenggoy ng malaking halaga sa pamumuhunan sa materyales ng mga pekeng dollar production sa bansa, sa Malate, Maynila, nitong Miyerkules.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutor’s Office ang dina­kip na sina Abraham Victor alyas “George” at Harry Shoum Teenessee sa reklamong swindling/estafa ng isang negosyante na itinago ang pagkakilanlan.

Sa imbestigasyon, nakum­binsi umano ng mga suspek ang complainant na maglagak sa kanila ng initial $10,000 para ipambili ng kemikal na gagamitin sa paggawa ng US dollars. Nang ibalik ang ipinangakong package sa complainant, wala ang inaasa-hang special paper, machine at chemical na magko-convert umano para sa mistulang genuine na dolyar at sa halip ay isang improvised vault at cut-out na mga papel na kulay berde na kasinlaki ng dolyar.

Dahil sa kabiguan ng biktima sa inaasahan, nagawa niyang isuplong sa NBI ang mga suspek nang muli siyang tawagan sa hinihinging balanseng $90,000 sanhi upang isagawa ang entrapment.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with