^

Metro

3-anyos kritikal sa shotgun ng tiyo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3-anyos kritikal sa shotgun ng tiyo

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente habang nag-aaway sa loob ng kanilang bahay ang suspek at misis na si Sherina dahil sa umano’y pambababae ng lalaki. Kinuha umano ni Love­ras ang kanyang shotgun para ipantakot sa misis ngunit pabagsak na ibinaba rin sanhi para pumutok ito at tamaan ang bata na bumibili sa isang tindahan. File

MANILA, Philippines — Kritikal ang buhay ng isang 3-anyos na batang babae makaraang aksidenteng tamaan ng bala ng shotgun ng kanyang tiyuhin habang nakikipag-away ang huli sa kanyang misis, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Habang isinusulat ito, na­karatay sa “intensive care unit (ICU)” sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Andrea Taborda, ng Calle Onse, Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod.

Nadakip at nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Reynaldo Loveras, alyas Saya, 32 at residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-4 ng hapon nang maganap ang insidente habang nag-aaway sa loob ng kanilang bahay ang suspek at misis na si Sherina dahil sa umano’y pambababae ng lalaki. Kinuha umano ni Love­ras ang kanyang shotgun para ipantakot sa misis ngunit pabagsak na ibinaba rin sanhi para pumutok ito at tamaan ang bata na bumibili sa isang tindahan.

Nagulantang na lamang   ang mga tao sa lugar nang big­lang bumagsak sa kalsada  ang paslit na dali-daling sinaklolohan ng mga kaanak at isinugod sa nabanggit na pagamutan. Mabilis namang tumakas ang suspek nang makita ang nangyari sa pamangkin.

Lingid sa kanyang kaalaman, nakipagtulungan sa mga tauhan ng Police Community Precinct 2 ang kanyang misis kaya natukoy ang kanyang pinagtataguan. Nadakip si Lo-veras sa loob ng isang motel sa Bagong Barrio, Caloocan City at nakumpiska sa kanya ang shotgun na may lima pang bala.

Nabatid naman na labas-pasok sa kulungan ang suspek dahil sa iba’t-ibang krimen na kinasasangkutan. Huling lumaya sa kulungan ang suspek noong Pebrero 2017 makaraang makulong dahil sa kaso sa pagtutulak ng iligal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with