^

Metro

100 sniffing dogs kakailanganin ng PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
100 sniffing dogs kakailanganin ng PDEA

“PDEA is expected to acquire an additional 100 NDDs (narcotic detection dogs) in 2018 with training worth P500,000 for each dog,” ayon kay PDEA director general Aaron Aquino. Rudy Santos

Cargo terminals mahigpit na babantayan

MANILA, Philippines — Plano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bumili ng may 100 drug-sniffing canines sa susunod na taon upang higit pang paigtingin ang kanilang kampanya kontra illegal na droga, partikular na ang pagharang sa mga narcotics na ipinupuslit sa mga cargo terminals sa buong bansa.

“PDEA is expected to acquire an additional 100 NDDs (narcotic detection dogs) in 2018 with training worth P500,000 for each dog,” ayon kay PDEA director general Aaron Aquino.

 Iniulat ni Aquino na sa kasalukuyan, ang PDEA K-9 unit ay mayroong 52 NDDs at 57 handlers sa 17 rehiyon sa bansa.

Inianunsyo ni Aquino ang planong pagbili ng mga sniffing dogs kasunod na rin ng pakikipagpulong nito sa foreign express delivery at domestic courier services nitong Biyernes, bunsod nang pagkakakumpiska ng mga shabu, cocaine at ecstasy, na nadiskubreng nakatago sa mga package na ipinapasok sa Pilipinas.

Nagkasundo naman umano sina Aquino at ang mga may-ari ng mga naturang delivery at courier services na magtulungan upang maharang at mahuli ang mga illegal na droga na tinatangkang ipuslit sa bansa.

Sinabi ni Aquino na dahil sa mahigpit na kampanya ng pamahalaan sa illegal na droga, ay gumagawa na ng iba’t ibang paraan ang mga drug syndicates upang maipagpatuloy ang kanilang illegal na aktibidad, tulad nang paggamit ng mail at parcel system upang ibiyahe ang mga narcotics sa bansa, nang hindi madaling matutukoy kung sino ang nasa likod nito.

Tiniyak naman ni Aquino na maging sila ay humahanap rin ng mga paraan upang hindi pa rin makalusot ang anumang mga bagong modus operandi ng mga drug syndicates, tulad nang paggamit ng K-9 dogs at mga x-ray machines. Hini­ling na rin umano nila sa mga naturang ahensya na bigyan sila ng isang maliit at secured na silid para sa pag-inspeksyon ng mga kahina-hinalang parcel na posibleng naglalaman ng illegal na droga.

Nagsasagawa na rin naman aniya sila ngayon ng random K-9 sweeping at parcel screening sa mga cargo terminals sa buong bansa, na nagresulta sa pagkakasamsam ng milyun-milyong halaga ng illegal na droga sa mga nakalipas na panahon.

 Tiniyak rin niya na nananatiling vigilante ang PDEA upang matiyak na lahat ng package na may illegal na droga ay kanilang masasabat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with