^

Metro

Christmas party tragedy: 3 empleyado patay sa sunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala ang bangkay ng isa sa tatlong empleyado ng isang printing shop na nasawi sa sunog sa loob ng nasabing establisimento kung saan ginanap ang kanilang Christmas party  sa Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa nasawi ang isang person with disabi­lity (PWD) na kinilalang si Benjie Solis, 28;  Ronald Obiedo, 50; na halos natusta at ang isang Joel Eva, 50, na naitakbo pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center subalit hindi na umabot ng buhay.

Sa ulat ni SFO3 Sonny Sonny Lacuban  ng Manila Fire Department,  dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa Lumandas Prin­ting Press na pag-aari ni Renato Galicia Lumandas na matatagpuan sa Claro M. Recto Avenue, sa kanto ng Morayta St., Quiapo.

Nabatid mismo ng imbestigador sa may-ari ng printing shop na idinaos nila ang Christmas party kamakalawa ng hapon at nagtapos ng hatinggabi ang kainan, inuman at kantahan gamit ang videoke machine.

Nang malasing ay naunang nakatulog si Lumandas at nagising bandang alas -9:00  ng gabi para umuwi na sa kaniyang bahay na di kalayuan sa lugar at naiwang patuloy pa ang kantahan at inuman ng mga empleyado.

Nagulat na lang umano siya nang mabalitaang nasusunog na ang printing shop at na-trap sa loob ang mga biktima.

Pinaghihinalaang nagkaroon ng short circuit sa nakakabit na videoke machine o sinindihang sigarilyo na napabayaan ang dahilan ng sunog na hindi alintana sa mga biktima na maaaring mga nakatulog sa kalasingan.

Hindi umano agad napasok ang nasusunog na erya dahil naka-padlock ang sliding gate.

Naapula ang apoy dakong alas-5:10 ng mada­ling araw at nadiskubre ang isa na nakasubsob sa banyo at isa ang nakadapa sa likod ng opisina.

Patuloy pang iniimbestigahan para matukoy ang tunay na sanhi ng sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with