^

Metro

Binata, dedo sa rambol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalagutan ng hininga ang isang 21-anyos na binata habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan makaraang pagsasaksakin sa kinasangkutan nitong rambol sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo,hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Limuel Cada Relox, naninirahan sa No. 21 West San Jose St.,  California Village, ng nasabing barangay.

Agad namang nakatakas ang apat na lalaking naka-rambulan ng grupo ng biktima, at isa dito ay nakilala lamang sa pangalang ‘Allan Bora’.

Sa inisyal na report ni PO3 George Caculba, ng CIDU-QCPD, ang rambulan ay naganap dakong alas-7:30 nitong Miyerkules ng gabi sa harap ng California Resort na mata­tagpuan sa Kalayaan Ave., Brgy. San Bartolome. Novaliches.

Naglalakad ang biktima kasama ang mga kaibigang sina Sonny Val Tolentino, Mark Jason Gomez, Michael Dave Dela Cruz, Rolly Colcol, Lenard Relox at Rodel Oria, nang mapadaan sa grupo ni Borra na noon ay nag-iinuman.

Dahil sa tila napormahan ang mga suspek sa biktima ay isa dito ang lumapit at sinabihan umano siyang maporma dahilan upang magkarambulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with