^

Metro

Dalaga huli sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 18-anyos na dalaga na sinasabing tulak ng droga ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Pasong Tamo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Robelyn Sison,  na nakatira sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Nadakip si Sison dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng kanyang tahanan pero ang boyfriend nito na isang alyas Khamar Salik ang siyang target ng buy-bust operation dahil sa talamak nitong pagbebenta ng droga sa lugar ngunit nakatakas.

Ayon sa report, dumaan sa bubong si Salik noong isagawa ang operasyon kaya siya nakatakas.

Si Sison ay mabilis na dinakma habang aktong inaabot ang dalawang sachet ng shabu sa isang asset ng pulis.

Nakuha rin mula kay Sison ang P1,500 na mark money na siyang gagamiting ebidensiya laban sa kanya.

Bagamat aminadong gumagamit ng droga, itinanggi naman ni Sison ang paratang nagbebenta siya ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with