^

Metro

30 aso kasali sa dog show, nadedo

Pilipino Star Ngayon

Ibiniyahe sakay sa closed van, di nakahinga

MANILA, Philippines —  Iniimbestigahan na ng Bureau of Animals and Industry (BAI) ang pagkamatay ng aabot sa 30 aso, na dadalhin sana sa isang dog show sa Marikina City, ngunit nasawi sa dehydration at heat stroke matapos na isakay sa isang closed van na walang tamang bentilasyon.

Nangangalap na umano sila ng mga ebidensiya at testigo para papanagutin ang mga taong sangot sa insidente.

Nauna rito, kinumpirma na ng Philippine Canine Club Inc. (PCCI) na miyembro nila ang nagsakay sa mga aso sa isang closed van mula sa Quezon City at dadalhin sana sa isang dog show sa Marikina noong Disyembre 2.

Gayunman, nang buksan ang van sa activity center ay natagpuang patay na ang may 30-aso dahil sa dehydration at heat stroke.

Kumalat pa sa social media ang video ng mga aso na tila wala nang malay at nakahandusay na lang sa sahig, at ang ilan sa kanila ay pinipilit pa sanang i-revive ngunit nasawi rin.

Agad naman na umanong sinuspinde ng PCCI ang kanilang miyembro habang iniimbestigahan ng kanilang board of directors ang insi­dente.

Ayon sa BAI, maaaring humarap sa kasong kriminal ang may-ari ng mga aso bunsod ng paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act.

Nabatid na sa ilalim ng Department of Agriculture Administrative Order 10, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibiyahe ng mga hayop sa isang ‘enclosed, in­sufficiently-ventilated at inadequately-lighted compartments ng mga sasakyan.

Samantala, ayon naman kay  Senator Francis “Kiko” Pangilinan dapat maparusahan sa ilalim ng Republic Act 10631 o Amended Animal Welfare Act ang mga taong nagpabaya at naging dahilan sa pagkamatay ng mga aso.

Bagaman at inirerespeto umano ni Pangilinan ang internal process ng club, hindi sapat ang suspensiyon lamang at dapat ipatupad ang parusang isinasaad ng batas.

Ipinunto pa ni Pangilinan na bilang chairperson ng Se-nate committee on agriculture noong 15th Congress, tiniyak nilang maaamiyendahan ang batas upang magkaroon ng ngipin laban sa mga taong nang-aabuso ng mga hayop.

 Nakasaad sa section 3 at 4 ng batas ang superbisyon at regulations ng mga establishments kabilang na ang mga nagsasanay at nagta-transport ng mga hayop.

Nakasaad naman sa section 7 na ang isang “liable person” ay papatawan ng maximum penalty kapag napatunayan na iniwan nito ang isang hayop na naging dahilan para ito ay mamatay.

 Sinabi ni Pangilinan na kung pagbabatayan ang ulat sa pagkamatay ng 30 aso, nangangahulungan na nagkaroon ng 30 counts ng kaso na ang maximum na penalty ay hanggang 90 taong pagkabilanggo o kaya ay P7.5 milyong multa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with