^

Metro

Bonus ng mga empleyado sa Maynila, ipamamahagi ngayong lingo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni  Manila Mayor Joseph Estrada na matatanggap na ng mga empleyado ng city hall ang kanilang Christmas bonus ngayong linggo bukod pa sa P5,000 cash gift na isinasaad ng batas para sa lahat ng government employees.

Ang paniniyak ay ginawa ni Estrada matapos ang flag raising ceremony kahapon ng umaga.

Kasabay nito, ipamamahagi rin ang allowance ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at ng Manila City Jail Bureau of Jail.

Ayon kay Estrada bahagyang naantala ang pamamaha-gi ng bonus dahil kinailangan munang tiyakin na sapat ang pondo ng city government upang lahat ay mabigyan.

Umaabot sa P632 milyon ang inilabas na pondo ng city government na kinabibilangan ng P250 milyon para sa year-end bonus; P280 milyon sa second tranche ng salary increases; P100 milyon para sa allowances ng mga pulis  ng MPD at P2 milyon  sa allowances ng Manila City Jail.

Umapela si Estrada sa lahat ng empleyado ng city hall,  hospital, paaralan, traffic enforcers na ibigay sa publiko ang pinakamaayos na serbisyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with