^

Metro

P57.5M bagahe ng shabu, nasabat!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P57.5M bagahe ng shabu, nasabat!

Iprinisinta sa media nina PDEA director Aaron Aquino at mga opisyal sa NAIA ang nasabat na mga illegal drugs na nagkakahalaga ng may P57.5 milyon. Boy Santos

Idineklarang mga laruan

MANILA, Philippines — Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport ­— Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang tinatayang may P57.5 milyong halaga ng shabu sa cargo office ng isang multinational courier service sa Pasay City, na kapwa idineklarang mga laruan.

Ayon kay PDEA Director General Aaron N. Aquino, ang mga naka-paketeng shabu ay nadiskubre sa tulong ng K9 dog at x-ray screening sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nang magsagawa ng random check-up ang airport operatives.

Nabatid na ang dalawang bagahe ay ipinadala ng isang Tyler Wilson na may naka­saad na tirahang 4313 Sepulveda Blvd., Culver City, California 90230.

Ang consignee ng mga kargamento ay sina Rogelio Almodiel ng 11 North Stanford Residence, Tower 2, Upper Mckinley Road corner Florence Way Road, Taguig City, at Hasmine Erquiza ng 32 Vicente Espana Subd., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Lumilitaw na ang unang parcel, na nasa anim na kilo at nagkakahalaga ng P30 milyon, ay nasabat, dakong alas-8:00 ng gabi ng PDEA Regional Office – National Capital Region sa ilalim ni Director Ismael Fajardo, Jr.,  at NAIA –IADITG.

Ipinadala ito sa bansa sa pamamagitan ng isang multinational courier delive­ry service na nakabase sa Andrew Avenue, Pasay City at idineklarang mga laruan.

Samantala, dakong  alas-10:30 naman ng uma­ga noon Disyembre 4, nang masabat ang isa pang ba­gahe.

Nakapangalan ito kay  Erquiza at may lamang 5.5 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P27.5 milyon.

Idineklara ring mga laruan ang laman ng bagahe.

Sinabi  ni Aquino na kap­wa hindi naman matagpuan sa naturang address sina Almodiel at Erquiza.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with