^

Metro

Kelot tumalon sa 21st floor, lasog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang patay nang tumalon mula sa ika-21 palapag ng isang gusali sa Brgy. San Antonio, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Lasog ang katawan at basag ang bungo ng biktima na nakilala lamang sa pamamagitan ng nakuhang identification card nito na si Miguel Paolo Reyes, 21, ng Barangay Ba-yanan, Muntinlupa City.

Sa ulat ni SPO1 Rodelio Olalia, ng Pasig City Police, kay Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, na dakong alas-12:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa AIC Burgundy Empire To-wer, sa Sapphire St., Ortigas Center, sa naturang barangay.

Ayon sa ilang saksi, nasa loob sila ng isang convenience store sa ibaba ng gusali, nang magulantang sa isang malakas na kalabog sa labas.

Nang kanilang tingnan ay tumambad sa kanila ang lasug-lasog na bangkay ng biktima.

May mga nakakita rin umano sa aktuwal na pagtalon ng biktima mula sa ika-21 palapag ng gusali kaya’t kaagad na nagsagawa ng ocular inspection ang mga awtoridad doon. Dito nadiskubre ng mga pulis ang isang itim na bag mula sa loob ng Unit 2117, na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng biktima at doon din nadiskubre ang kanyang ID at ilang personal na gamit.

Bakante umano ang natu-rang unit at walang kandado dahil kasalukuyan itong under renovation kaya’t nakapasok ang biktima doon at saka tumalon sa isang binuksang bintana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with