PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

9 pig pens sinalakay, winasak ng PRRC

Ang mga binuwag na pig pens sa Baseco Compound sa Port Area, Maynila kahapon matapos na matuklasang diretso sa Pasig River ang mga dumi nito na ginawang practice ng pig pens owner. Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinalakay at winasak ng mga opisyal at tauhan ng Pasig Ri­ver Rehabilitation Commission (PRRC) ang 9 na pig pens sa Baseco Compound Port Area Maynila, kahapon ng tanghali.

Mismong si PRRC Director Jose Antonio Goitia ang na­nguna sa pagsalakay at pagwasak sa kulungan ng mga baboy ng matagal ng inirereklamo ng mga residente ng Baseco dahil sa ‘mabahong amoy at mala­ngaw’ sa kanilang kapaligiran bunsod ng tinatayang nasa 500 na ina­alagaan sa lugar.

Ayon kay Goitia, pollution din sa Pasig River ang duming inila­labas ng mga baboy na direktang tumatapon sa ilog Pasig.

“Strict warning have been repeatedly issued to all concerned but these were taken for granted. All of us know harmful are industrial, household and animal wastes to humans, and yet the practice of having pig pens placed nearby houses and flushing-out of wastes directly into the river proliferated in alarming proportion” ani Dir. Goitia.

Katuwang ng PPRC sa pagsalakay ang mga tauhan ng Manila sanitary office, PNP at NBI. Noong isa­gawa ang pagsalakay ay nakiusap ang mga may-ari kukunin na lang nila ang mga alagang­ baboy at dalhin sa kani-ka­ni­lang mga buyer at ibenta kahit sa murang halaga para hindi gaanong malugi na pi­nagbigyan naman ni Goitia. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: