^

Metro

200 pamilya nasunugan sa Taguig

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdulot ng matinding trapik ang sunog na naganap sa Bonifacio Global City (BCG) sa Taguig, kama­ka­la­wa ng gabi kung saan natupok ang humigit-kumu­lang sa 60  kabahayan at tinatayang aabot sa 200 pamilya ang naapektukhan habang tatlo katao ang bahagyang nasu­gatan.

Sa ulat ng Taguig City Fire Bureau of Fire Protection, alas-5:00 kamakalawa ng hapon nagsimula ang pagsiklab ng apoy sa  isang informal settlers community sa Zone 7, Mini-Park, BGC, malapit sa isang mall.

Ayon sa isa sa mga residente na si  Merly Tiad,  nagsimula ang apoy mula sa inuupahang kuwarto malapit sa kanilang bahay.

Nabatid sa isa sa mga nasunugan na si Grace Ojeda, nakita niya sa bintana ang makapal na usok at malakas na apoy, dahilan upang tumakbo ito kasama ang mga anak palabas ng kanilang bahay, na ilang gamit at  damit lamang ang kanilang nailigtas.

Dahil gawa lamang sa mga light materials mabilis na kumalat ang apoy, na  kaagad na natupok ang tinatayang nasa 60 kabahayan.

Umabot sa Task Force   Alpha ang sunog. Ang mga naapektuhang pamilya ay pansamantala munang namamalagi sa  tent ng basketball court at barangay hall.

Sa ngayon ay wala pang supply ng kuryente sa lugar at iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang napinsala. Nagdulot naman aniya  sa mga motorista nang napakabigat na daloy ng trapiko ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with