^

Metro

Hapones, 3 pa tiklo sa illegal recruitment

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa mga ele­men­­to ng pulisya ang apat katao kabilang ang isang Hapones na inireklamo ng illegal recruitment  sa isinagawang entrapment operation sa Kalaw Avenue, Ermi-ta, Manila, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Roel Obusan ang nasakoteng Hapones na si Sato Kenichi, 63.

Arestado rin sa operas-yon ang mga kasabwat nitong sina Cynthia Banares, 45, Admin Registrar; Carlo Bana-res, 31, Japanese Language Ins­tructor, at Jesse James Escal­deron, 32  anyos .

Bandang alas-2:30 ng hapon kamakailan, ayon kay Obusan nang masakote ang mga suspect sa loob ng Japcom Training Center na matatagpuan sa Gochangco Building, Kalaw Avenue sa Ermita.

Sinabi ni Obusan na ang mga suspect ay inaresto base sa reklamo ng 35 kataong na-recruit ng mga ito para magtrabaho sa Japan kung saan siningil ng malaking halaga ng placement fee na bayad umano sa training at processing fee ng kanilang mga dokumento.

Gayunman sa isinagawang imbestigasyon ng PNP-CIDG ay nadiskubreng walang sertipikasyon o job order mula sa Philippine Over­seas and Employment Administration (POEA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang recruitment agency ng nasabing Hapones at mga kasabwat nitong suspect.

“Upon knowing that the said training center is opera­ting illegally, an entrapment operation was planned”, anang opisyal na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspect.

 Kabilang naman sa kanilang mga naging biktima ay si Peter Laman na sa kabila ng nakabayad na ng placement fee at processing fee ay hinihingan pa ng karagdagang P26,000 na ang nasabing pera ay tinanggap ni Cynthia Banares pero sa kabila nito ay nabigong makaalis ng bansa.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 442 at Large Scale recruitment  ang mga nasakoteng suspect na ini-inquest na ang kaso sa Manila Prosecutors Office.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with