^

Metro

Pagdagsa ng mga pasahero, pinaghahandaan ng BoC

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

X-Ray machines sa arrival area , itatalaga

MANILA, Philippines — Balak ng Bureau of Customs na maglagay ng  x-ray machines sa arrival area ng tatlong international terminals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lalong madaling panahon para paghandaan ang dagsang pagdating ng mga pasahero ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Ayon sa ulat, nasa final review  na ang mga BoC - NAIA officials kung saan lugar sa customs arrival area ilalagay ang makina.

Sinasabing pagkatapos bigyan ng arrival clearance ng immigration ang mga pasahero ay saka nila padadaanin sa x-ray machine ang hand carried baggages nito bago sila pumunta sa baggage conveyor para kunin ang mga check-in luggages nila.

Ayon sa mga beteranong customs officials binibitbit na lamang ng mga smugglers ang kanilang hand carried luggages kung saan dito nila inihahalo ang kanilang mga kontrabando na ipupuslit palabas ng paliparan.

Ayon sa Customs, balak nilang maglagay nang limang  x-ray machine sa NAIA terminal 1 arrival area, 3, dalawa sa NAIA terminal 2.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with