^

Metro

Pagbebenta ng mga ilegal na paputok, pinatututukan na sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pagbebenta ng mga ilegal na paputok, pinatututukan na sa Maynila

Base sa EO 28, ang PNP ang naatasang maglabas ng mga criteria sa mga pinag-babawal na paputok at pailaw  sa loob ng 30 araw matapos magkabisa ang naturang exe­cutive order. Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng pamahalaang lokal ng Maynila ang pagmonitor sa 17 palengke ng lungsod laban sa mga nagbebenta ng iligal na paputok.

Nabatid na iniutos na ni Mayor Joseph Estrada sa Market Administration Office (MAO) na maagang bantayan ang mga palengke upang hindi makalusot ang mga nais magbenta ng iligal na paputok.

“This early, we should start a close surveillance of our markets and strictly remind the vendors that they could be penalized for selling prohibi­ted firecrackers as mandated by the law,” ani Estrada.

Alinsunod aniya, ito sa Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.

Aniya, ang sinumang ma­huhuling nagbebenta ay maaaring pagmultahin ng mula P20,000 hanggang P30,000 at ikulong ng mula anim na buwan hanggang isang taon

Tinukoy din ni Estrada ang Executive Order No. 28 na nilagdaan ni Pangulong Duterte nitong Hunyo 20 na naglilimita sa paggamit ng mga paputok sa mga community fireworks displays lamang.

Ayon kay Estrada, hinihintay pa rin ng lokal na pamahalaan ang Philippine National Police (PNP) na maglabas ng bagong listahan ng mga pinagbabawal na paputok at pailaw base sa EO 28.

 “While we are waiting for the guidance of the PNP, we will continue monitoring our public markets following the provisions of RA 7183,” ani Estrada.

Base sa EO 28, ang PNP ang naatasang maglabas ng mga criteria sa mga pinag-babawal na paputok at pailaw  sa loob ng 30 araw matapos magkabisa ang naturang exe­cutive order.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with