PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Engineer bulagta sa ambush

Ang mga tama ng bala sa sasak­yan ng inam­bus na engineer na si Reynaldo Macapanas. Edd Gumban
 

MANILA, Philippines — Patay ang isang 49-anyos na mecha­nical engineer nang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng kanyang sports utility vehicle (SUV) sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Reynaldo Macapanas, ng Grand Oakridge Antel Village, Bacao, General Trias City, Ca­vite, bunsod ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng dalawang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni Det. Aldeen Legaspi ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa likod ng Delpan Sports Complex  sa Delpan St., sa Binondo.

Sakay umano ang biktima ng kanyang itim na Isuzu MUX at binabagtas ang Delpan Street nang bigla na lang tamba­ngan ng mga suspek na pagkatapos ay mabilis na tumakas, bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Ayon naman sa kaibigan ng biktima na si Evelyn Sy, bago ang krimen ay bibisitahin sana siya ng biktima sa kanyang tahanan upang mapag-usapan nila ang isang business proposal nang maganap ang krimen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naniniwala naman ang maybahay ng bik­tima na si Nenita Macapanas na posibleng may kinalaman sa mga business contract bidding deals ng asawa ang pagpatay dito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: