^

Metro

‘Motorcycle lane, mas delikado sa riders’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas tataas umano ang aksidente na sangkot ang mga motorsiklo kapag ipipilit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng “motorcycle lane” sa Edsa at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila, ayon sa isang motorcycle group.

Sa “position paper” na nakatakdang ibigay sa MMDA ng grupong Riders of the Philippines (ROP) na ipinost ni Jobert Bolanos sa social media account ng Motorcycle Rights Organi­zation, iginiit ng koalisyon ng mga motorcycle clubs na mas higit na inilalagay lamang sa pa­nganib ng pamahalaan ang mga riders sa pagpupumilit na ikulong sila sa motorcycle lane.

Ayon pa dito, 10 beses na mapanganib ang manatili sa motorcycle lane. Ito ay dahil sa ka­sama pa rin naman ng mga motorsiklo ang ibang mga behikulo na pilit nilang iniiwasan, nakaka­pasok maging ang mga bus at trak sa motorcycle lanes dahil sa mga “reckless drivers”, habang delikado rin ang disenyo ng mga markings sa MC lane na napakadulas para sa motorsiklo kapag nababasa.

Kinuwestiyon din ng mga grupo ang ka­walan ng sapat na batas o ordinansa para sa pagpapatupad ng naturang polisiya. Meron uma­nong ordinansa para dito ang lungsod ng Quezon at Pasay ngunit lumalabas na “national road” ang Commonwealth Avenue na dapat ang Land Transportation Office (LTO) ang may hurisdik­syon sa paggawa ng mga batas-trapiko. Hiniling ng grupo na bumalik sa “drawing board” ang MMDA upang mas lalo pang pag-aralan ang implikasyon ng naturang polisiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with