^

Metro

2 kelot, 1 bebot timbog sa ‘pot session’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog sa mga otoridad ang dalawang lalaki at isang babae matapos maaktuhan ang kanilang “pot session” sa loob ng isang nakaparadang kotse sa Katipunan Ave., Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang tatlo na sina Martin Buenconsejo, 27, ng Brgy Masagana, Project 4, Quezon City; Rex Holganza, 25, ng Brgy Maytunas San Juan City at Meliza Mendoza, nasa hustong gulang ng Katipunan Ave. Quezon City.

Nasamsam mula sa kanila ang isang wooden pipe, plastic pipe tooter, isang plastic sachet na naglalaman ng marijuana, lighter at iba pang drug paraphernalia.

Ayon kay Supt. Ariel Capocao, hepe ng Quezon City Police District Station 8, nagsasagawa ng surveillance operation ang kanyang mga tauhan na sina SPO4 Romeo Inta, Jr; SPO2 Albert Nipas; PO2 Randy Alcantara; PO1 Roderick Futuc at PO1 Patrick Mendez na sakay ng isang sasakyan at binabantayan ang mga insidente ng basag-kotse sa lugar.

 Pasado ala-1:00 ng madaling araw, may pumaradang isang kotse na Honda City na may plakang UQZ-366 na hindi kalayuan sa surveillance car ng mga pulis.

Ilang minuto ang lumipas ay napansin ng mga pulis may kahina-hinalang usok na lumalabas sa loob ng sasakyan ng mga suspek kaya kinatok nila ang bintana ng nasabing sasakyan.

Ayaw pa umano silang pagbuksan ng mga nasa loob ng kotse at nagtangka pang patakbuhin pero napilitan din buksan nang mabatid nilang wala silang matatakbuhan at doon nadiskubre na nagpa-pot session ang tatlong suspek.

Sa ngayon ay nakakulong pa sa QCPD station 8 ang tatlo at nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with