^

Metro

Kano tigok sa paghabol sa nobyang Pinay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang  isang 50-anyos na American tourist nang makaladkad ng sasakyang minamaneho ng kaniyang nobya nang hindi mapansin na nakasabit ito at tuluyang makabitaw hanggang sa bumagsak na sa kalye at mabagok, sa panulukan ng Quirino Avenue at Adriatico St., sa Malate, Manila.

Kinilala ang biktimang Ramsey Awni Rayyis, residente ng Ermita, Maynila.

Nakapiit na sa detention cell  ng Manila Police District-Homicide Section ang nobya o live-in partner ng biktima na kinilalang si Jenevie Daria, 27.

Sa ulat ni PO3 Roderick Magpale, may hawak ng kaso, dakong alas- 7:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa panulukan ng Quirino at Adriatico Sts. sa Malate.

Naisugod pa sa Emergency Room ng Philippine General Hospital (PGH) ang biktima nang saklolohan ng mga saksi sa insi­dente subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong matinding pinsalan sa katawan at mukha.

Sa imbestigasyon, nakitang hinahabol ng biktima ang tumatakbong kulay gray na Hyundai Tucson na sa kahabaan ng Adriatico St. sa Malate.

Huminto pa ang sasak­yan sa traffic light ng Quirino Avenue at nilapitan ng biktima ang sasakyan at nakitang nagtatalo ang dalawa subalit nang mag-green o go signal na ang traffic light ay sumabit ang biktima sa top load brace ng Hyundai  habang  tuluy-tuloy ang arangkada ng sasakyan kaya nakaladkad ito.

Mabilis ang takbo ng sasakyan patungo sa direksiyon ng Taft Avenue hanggang sa makabitaw na ang biktima sa pagkakawak sa top load brace at bumagsak sa sementadong kalye.

Depensa naman ng biktima, hindi niya nakita at alam na nakasabit pa sa kotse ang biktima kaya diretso lang siya sa pagtakbo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with