^

Metro

PNP nagbabala sa pekeng pera, modus ng mga kawatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP)  sa publiko na mag-ingat sa pagkalat ng mga pekeng pera at maging sa iba’t-ibang modus operandi ng mga elementong kriminal ngayong holiday season.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, dapat na maging alerto ang publiko upang hindi mabiktima ng mga kawatan na gumagamit ng sari-saring mga modus operandi.

Tinukoy ni Carlos na kabilang sa mga modus operandi ay ang ‘Salisi gang’; ‘Bespren gang’,  ‘Dura boys’ at  ‘Laslas bag/Bulsa gang’.

Ayon kay  Carlos  ang ganitong mga modus operan­di ay mas madalas mangyari sa tuwing panahon ng kapaskuhan kung saan ang kadalasang target ay mga bonus.

 Nagbigay din ng ilang tips ang PNP kung paano mabibigyang proteksyon ang mga bahay at gusali laban sa mga kawatan ngayong panahon ng kapaskuhan. 

Idinagdag ng opisyal na dapat ay huwag idetalye ang mga travel plans o pagbiyahe, pagbabakasyon sa facebook at iturn-off ang GPS (Global Positioning System) sa mga cell phone upang  hindi matukoy ng mga masasamang elemento ang lokasyon ng mga target.

Bukod naman sa mga modus operandi , nagbabala rin ang PNP sa publiko sa pagkalat ng mga pekeng pera ngayong holiday season.

Inihayag pa ng opisyal na base sa data ng PNP nangyayari ang mga ganitong uri ng krimen at  naglipana rin ang mga pekeng pera sa mga urbanisadong lugar tulad ng Metro Manila, Region IV A,  Region VII at Region XI dahilan marami ditong mga commercial centers at mga business activities.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with