^

Metro

MRT-3, muling nagka-aberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nakaranas ng isang aberya ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon.

Batay sa abiso ng MRT-3, dakong alas-11:10 ng tanghali ay napilitan silang magpababa ng mga pasahero sa southbound ng Ayala Station dahil sa technical problem.

Umabot ng Category 3 ang aberya, na nangangahu­lugang inalis ang tren sa linya ng walang kapalit.

Bukod naman sa naturang unloading incident ay hindi na nakapagtala pa ng ibang insidente ng aberya ang MRT-3, partikular na sa rush hour.

Matatandaang una nang kinansela ng Department of Transportation (DOTr) ang maintenance contract sa kanila ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) dahil sa pagkabigong masolusyunan ang araw-araw na pagkakaroon ng aberya ng mga tren ng MRT-3.

Ang DOTr muna ang pan­samantalang mamamahala sa operasyon at maintenance ng MRT-3 habang wala pa silang nakukuhang bagong maintenance provider.

Sinabi naman ni Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez na target nilang mapaganda ang serbisyo ng mga tren at unti-unting mabawasan ang mga aberya o unloading incidents nito.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City at pabalik.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with