^

Metro

Mga raliyista bigong makalapit sa Embahada

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mga raliyista bigong makalapit sa Embahada

Ilang mga militanteng grupo  na nagtangkang lumapit sa gate ng PICC complex ang pinigilan ng mga awtoridad kahapon ilang araw bago ang pagsisimula ng isasagawang summit bukas (Nob. 13). KJ Rosales

MANILA, Philippines — Dalawang araw bago pa ang pagsisimula ng 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa bansa ay kaliwa’t-kanang kilos protesta ang isinagawa ng ilang militanteng grupo, kahapon sa Maynila.

Umaga nang magsimulang magtipun-tipon ang mga militante at mga katutubo sa Plaza Salamanca sa T.M Ka­law Avenue, sa Ermita sa pagbabakasakaling makalusot patungo sa United States (US) Embassy subalit naharang naman sila ng mga nakabantay na mga tauhan ng Manila Police District (MPD).

Nakaantabay din ang mga truck ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Dakong alas-10:00 ng uma­ga nang magmartsa patungo sa embahada ng mga miyembro ng Bayan, Anakpawis, Gabriela, Piston, Kilusang Mayo Uno, mga katutubo mula sa Mindanao at iba pa bilang pagtutol sa planong pagtungo sa bansa para sa ASEAN Summit ni U.S President Donald Trump subalit bigo sila dahil hindi hinayaan ng anti-riot teams na makalapit sa Roxas Boulevard.

Nagkaroon ng tulakan at sigawan hanggang sa magpasiya na lamang ang mga raliyista na sa T.M Kalaw na lamang isagawa ang kanilang programa patungkol sa economic at political interest ng US kabilang ang pakiki-salo sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mindanao.

Binato ng pintura at sinunog ang larawan ni Trump bago ang self dispersal.

Sinabi ni MPD spokeperson Supt. Erwin Margarejo na maaari naman ang mga kilos protesta at ipinatutupad nila ang maximum tolerance subalit sa mga itinakdang lugar lamang sa Liwasang Bonifacio at sa ilang freedom parks ito pwedeng isagawa.

Nagbabala din si Marga­rejo na aarestuhin naman ang manggugulo, mananakit, o lalabag na sa batas.

Samantala, inalis na lamang ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authori­ty (MMDA) ang ilang ASEAN banners sa kahabaan ng Taft Avenue at Roxas Boulevard  na nakitang sinulatan ng anti-US slogan ng mga raliyista.

Kaugnay nito, isang rally din ang idinaos ala-1:00 ng hapon kahapon sa Mendiola.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with