^

Metro

Diplomat biktima ng ‘Basag Kotse’ gang

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabiktima ang isang diplomat ng ‘Basag Kotse’ gang sa isang exclusive subdivision sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Lishing Yang, 43, ng  China, at nakatira  sa The Sapphire Residences, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City at sa  Pasay Road, Dasmariñas Village, Makati City.

Lumalabas sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-6:00 ng gabi malapit sa isang restaurant, na matatagpuan sa Gamboa St., Brgy. San Lorenzo Village, Makati City.

Ipinarada ng driver ng biktima ang sasakyan nitong  kulay itim na BMW 5X, model 2016 na may  diplomatic plate number 4642 dahil kakain sila sa naturang restaurant kasama ang pamilya at ilang kasamahan nito sa kanilang opisina.

Makalipas ang ilang oras, pagbalik nila ng sasakyan ay napansin nilang basag ang salamin nito at nadiskubre nilang nawawala ang nasa loob nitong school bagpack na naglalaman ng ilang mga libro, school identification card  mula sa  International School, Manila at  eye glass na nagkakahalaga ng  P7,000.00.

Nabatid, na walang CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan ng insidente habang nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang pulisya dito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with