^

Metro

Nangarnap, pumatay sa Grab driver, tugis

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa tatlo hanggang apat na “person-of-interest” ang tinutugis ngayon ng Pasay City Police na may kinalaman sa pagpatay sa isang Grab driver  na kinarnap din ang sasakyan noong Huwebes ng gabi sa Pasay City.

Kahapon lamang kinilala ng Pasay City Police ang biktimang si Gerardo Maquidato Jr.

Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Senior Supt. Dionisio Bartolome, nasa tatlo hanggang apat na katao na ang kinilala sa ngayon ng kanilang mga imbestigador na huli aniya nakatransaksiyon ni Maquidato  bago ito pinatay noong Oktubre 26,   alas-7:45 ng gabi sa harapan ng Express Payment Center    sa Bonanza St., Brgy. 189, Zone 20 ng nabanggit na lungsod.

Hindi muna ibinunyag ng Pasay City Police ang  mga pangalan ng mga ito para hindi aniya maapektuhan ang kanilang imbestigasyon.

Ipinaliwanag ni, Bartolo­me, na nag-iingat sila sa kanilang isinasagawang im-bestigasyon sa insidente.

“It is complicated because for example, I booked for a ride at Grab but another person will ride instead. It can happen,”  ani Bartolome.

Ayon pa sa naturang hepe, kinilala lamang  ang naturang mga person-of-interest  matapos ibigay sa  kanila ng Grab management ang buong detalye ng biyahe ng biktima ng araw na iyun bago ito  pinatay.

Kinilala ang biktima ng kanyang asawang si Brenda, 41 habang nakalagak ang  bangkay nito sa Rizal Funeral Homes.

Sa affidavit ng misis ng biktima, alas-10:00 ng umaga noong Oktubre 26 umalis ang kanyang mister ng kanilang bahay sa Quezon City patu­ngong trabaho gamit ang isang kulay silver Toyota Inno-va na may plakang-XV 7109.

Subalit, makalipas ang ilang oras ay hindi na aniya niya makontak ang cellphone ng kanyang mister, dahilan upang magtungo ito sa tanggapan ng Grab noong Biyernes, Oktubre 27.

Dito na aniya napag-ala­man na huling  drop off  route ng kanyang mister ay sa  Do­ña Neneng St., Pasay City na may  5.7 km mula sa  Bonanza St., kung saan natagpuan ang bangkay nito.

Nabatid, na nasa P100,000 ang pabuyang ibibigay  ng Grab management sa sinumang makapagtuturo sa mga taong responsable sa pagpatay kay Maquidato at sa pangangarnap sa dala nitong sasakyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with