^

Metro

PNP full alert na sa Undas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinailalim na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa full alert status ang lahat ng puwersa ng pulisya sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa upang tiyakin ang seguridad ng mamamayan partikular na ang mga magtutungo sa sementeryo kaugnay ng paggunita sa Undas.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni dela Rosa na inalerto na niya ang lahat ng mga Regional Directors upang palakasin pa ang monitoring sa lahat ng mga komersyal na establi­simiyento at iba pang mga posibleng ‘soft targets ‘ng mga masasamang elemento.

“We have declared full alert status sa lahat ng Regions buong Pilipinas so lahat sila ngayon naka-full alert, nagka-conduct ng checkpoint, nagse-secure sa mga sementeryo  and nagdu-duty lahat kaya ma-ximum yung police visibility during Undas,” pahayag ni dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa ba­ga­man wala namang namomonitor na anumang banta ng ‘terror attack’ at iba pang uri ng pananabotahe ngayong Undas at maging   sa ASEAN summit sa kalagitnaan ng susunod na buwan, sinabi nito na mas mabuti na ang nakaalerto sa lahat ng oras.

Kasabay nito, nanawagan si dela Rosa sa publiko na maging vigilante o mapagmatyag sa lahat ng oras upang hindi makapagsamantala ang masasamang elemento na maaaring manabotahe sa okasyon.

Samantalang bahagi ng security measures, ayon pa sa PNP Chief ay ang pag­papaigting ng police visibility at intelligence monitoring sa mga komersyal at residential areas kung saan maa-ring magsamantala ang mga kawatan tulad ng ‘termite gang’.

“Dito sa headquarters, heightened alert status tayo, meaning around 50 percent of the personnel dapat andito ready to be utilized, ready to be deployed anytime kung may problema,” dagdag pa ng opisyal. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with