^

Metro

Coed hinoldap, halinhinan pang hinalay ng 6

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na coed ang hinoldap at halinhinang hinalay ng anim kabilang ang dalawang menor-de- edad sa Caloocan City ka­ha­pon ng madaling araw.

Kinilala ni Barangay 28 Chairman Egay Galgana ang mga naarestong suspect  na sina Damian Cabuang; Bobby Cabuang; Donut Ca­buang; Sherwin Cabuang, at dalawang binatilyo na ang  edad ay  16 at 17.

Habang pinaghahanap pa ng mga pulis ang isa pang suspek na si Ryan Reyes na sinasabing tumangay sa cell phone, P3,000 cash at mga mahalagang gamit ng biktima.

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Joan, estudyante at part-time service crew ng kilalang fast food chain, papauwi na siya sa kanilang bahay mula sa pagtatrabaho ala-1:00 ng madaling araw habang umuulan nang harangin siya ng mga suspect sa panulukan ng Purok 1 Kawal at Dagat-Dagatan Avenue  hanggang sa tinutukan ng patalim saka nagdeklara ng holdap.

Dahil sa takot, binigay ng biktima ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang mga gamit, cell phone at pera subalit hindi nakuntento ang mga suspect na pinagtulungan siyang hatakin patungo sa gilid ng nakaparadang van sa nasabing lugar.

Upang hindi makasigaw ay itinapat ng mga suspect ang kanyang mukha sa alulod ng isang bahay na dinadaluyan ng malakas na buhos ng tubig ulan bago halinhinan umano itong hinalay ng mga suspect habang ang iba naman ay hinahawakan siya sa kanyang mga kamay at paa.

Matapos ang pangha-halay ay  nagawang maka-takas ng dalaga mula sa mga kamay ng suspect at nang makauwi ay nagsumbong sa kanyang ina na agad namang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspect habang nakatakas naman si Reyes.

Tinurn-over sa himpilan ng pulisya ang mga suspect na sinasabing pawang gumagamit ng droga habang itinanggi ng dalawang menor-de-eded na kasama sila sa panggagahasa sa biktima at itinuro nila sina Bobby at Reyes ang umano’y nanghalay  sa dalaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with