^

Metro

8-anyos kritikal sa ligaw na bala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kritikal ang buhay ng isang 8-anyos na batang babae makaraang tamaan ng ligaw na bala buhat sa baril ng isang security guard ng isang pabahay sa Caloocan City , kahapon ng umaga.

Isinugod sa Dr. Jose Ro-driguez Memorial Hospital ang biktimang si Mecaila Magallion, naninirahan sa National Housing Authority (NHA) Pabahay sa may Sta. Rita, Brgy. 188 Tala habang kusang sumuko naman sa mga awtoridad ang security guard na si Florentino Singayan, nakatalaga sa naturang lugar.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang insidente. Nililibot ni Singayan ang gusali nang kanyang ikasa ang dalang shotgun sa ikalawang palapag sa pag-aakalang wala na itong bala.

Nagulat na lamang umano siya nang biglang pumutok ang baril at nadaplisan ng bala ang ulo ng biktima na nag­lalaro sa tapat ng gusali.  Agad na tinungo ng suspek ang kinaroroonan ng paslit at humingi ng saklolo para madala sa pagamutan.

Kusang nagtungo naman  sa istasyon ng pulisya para sumuko si Singayan na naha­harap ngayon sa kasong frustrated homicide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with