^

Metro

Rider sinalpok ng jeep, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang motor-cycle rider ang nasawi makaraang mabundol ng isang humaharurot na pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Bienvenido Zagala, Jr., 47, residente ng Gozon Compound, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:25 ng gabi sa kanto ng Mango Street at Araneta Avenue sa Brgy. Potrero ng naturang lungsod.

Binabaybay ng biktima ang naturang kalsada nang biglang sumulpot ang isang jeep ( PWC 529) na bumundol sa motorsiklo. 

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon ang biktima sa sementadong kalsada ng ilang metro dahilan ng matinding pinsala sa ulo at katawan na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Sa halip na saklolohan ang kanyang nabiktima, agad na tumakas ang tsuper ng jeep na target ngayon ng operasyon ng pulisya.           

Ilang mga residente at   mga motorista naman na kasalukuyang nasa lugar ang mabilis na sumaklolo sa biktima at isinugod ito sa Manila Central University (MCU) Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with